Make Money!

Sunday, February 25, 2007

Brunch: Left-Overs Turned Into A Combo Meal

Ang galing talaga ni Mommy, biruin n'yo 'yung natira kagabing ommelette, hinalu n'ya sa chicken adobo na niluto n'ya kanina. Ang sarap, grabe! Tapos may fruits pa, lotsa bread na may peanut butter na may chocolate. Ang sarap! Grabeng brunch 'yun. I love you talaga mommy! Sana parati ka nang nasa-bahay! Para may mag-asikaso na ulit sa'kin! Hehehe, kakapagod 'yung paglalaba. Sira pa rin ang washing machine, tapos wala pa rin kaming tubig kaya igib pa rin. Ang hirap ng buhay, hayyz. Tapos nagaway pa 'yung pinsan ko at ang asawa n'ya, grabe sabog na naman pamilya namin pati 2nd degree tataob na! Hehehe, okay lang masaya pa rin ako kahit gano'n! BTW, watch out ngayong bakasyon. Pina-reserve ko na kay kuya ang domain na http://www.kamote.net/ aking-akin na 'yan, nag-down na 'ko kaso 'di pa fully-paid! Malapit na rin, sa bakasyon mababayaran ko na ang MobileHive para sa domain na 'yan. Gagamitin ko for my blog (http://untmouth.kamote.net/) tapos sa internet cafe namin (http://www.kamote.net/) saka sa music site ko (http://music.kamote.net/) at saka sa guild s'yempre (http://guild.kamote.net/) and other ridiculous stuff like my photo gallery (http://photos.kamote.net/) kung aabot sa ganung kadaming subdomains ang host ko.

Sige guys, 'yung lang po. Enjoy this video nga pala, eto 'yung bagong single ng Sponge Cola, pero last year ko pa 'to napapakinggan. Favorite ko nga 'to eh, well number 3 favorite sa lahat ng songs nila. Here's Tuliro from the album Transit:


"Labis, ako'y nahuhumalik. Sa isip bawat sandali, ika'y makapiling.
Giliw, hayaang lumapit. 'Wag mo sanang ipagkait. Mamalas
ang langit, ano'ng na-darama. Tuwing makikita kang dumarating, tuliro!..."

I'm NOT GAY! Fan lang talaga ako ng Sponge Cola, hehehe! ^_^

0 comments: